DTI, iminungkahi sa IATF na payagang makapasok sa mga malls ang mga batang may edad 7 pataas

Inirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ring makapasok sa mga mall ang mga menor de edad na pitong taong gulang pataas para sa pagpapalakas muli ng ekonomiya ng bansa.

Pero paglilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang kaniyang mungkahi ay para lamang sa pagbili ng mga pangangailangan at kung kakain sa mall.

Ang mga palaruan naman ay mananatili pa ring sarado para maiwasan ang COVID-19 transmission.


Sinabi pa ng kalihim na maaaring ang lokal na pamahalaan ang magtakda ng edad ng mga batang nais papasukin sa mall depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Matatandaang una nang pinayagan ng IATF ang mga nasa edad 15 hanggang 65 na makalabas na ng bahay.

Facebook Comments