DTI – imumungkahi ang paglalagay ng “yellow trash bin” sa mga mall

Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mall operator na maglagay na rin ng “yellow trash bin”.

Ang yellow trash bin ay mga basurahang nakalaan para sa mga medical waste gaya ng mga used face mask.

Layon nito maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga basurang itinatapon ng mga tao.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na kahit hindi nila imandato, maaari nilang imungkahi sa mga mall na maglagay ng sarili nilang yellow trash bin.

Una rito, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa DTI na gawing requirement sa pagbibigay ng Safety Seal Certificate sa mga establisyimento ang pagkakaroon ng yellow trash bin.

Facebook Comments