DTI, inaasahan na mas marami pa ang mahikayat na magnegosyo sa tulong ng “IP Help Desk”

Inaasahan ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas dadami pa ang mahikayat na magnegosyo kasunod sa pagtatag nito ng “Intellectual Property (IP) Help Desk”.

Matatandaang pormal na inilunsad ng DTI ang IP Help Desk na layong matulungan sa pagrehistro at ma-protektahan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lalawigan.

Paliwanag ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten, ang nasabing help desk ay makatutulong sa mga MSMEs para marehistro ang trademark at tradename ng kanilang produkto at maprotektahan ito laban sa panggagaya.


Layon rin nito na matukoy ang geographical indication ng mga unique products na gawa o na-proseso sa tulong ng mga nakatalagang helpline desk officer na tumatanggap sa application for registration at iba pang intellectual property concerns ng mga MSME.

Facebook Comments