DTI, inalis na ang limitasyon sa pagbili sa mga essential items

Inalis na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limitasyon sa pagbili ng mga essential item sa mga pamilihan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, inalis nila ito para sa mga apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Maliban dito, tinaasan na rin ng DTI ang bilang ng mga face mask na maaaring mabili sa merkado ng hanggang sa limampung piraso matapos madagdagan ang suplay.


Matatandaang nagkaroon ng panic buying sa mga pangunahing bilihin habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon kaya  nilimitahan ng DTI ang pagbili sa mga ito.

Facebook Comments