Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na mananatili ang presyo ng mga mahahalagang bilihin hanggang sa katapusan ng taong 2023.
Sinabi ni DTI-Pangasinan Chief for Consumer Protection, Guillermo Avelino Jr., sa talakayan ni DTI Sec. Alfredo Pascual na panatilihin ang mga kasalukuyang presyo hanggang sa katapusan ng 2023 matapos ang anim na mga manufacturers ay nagsumite ng kanilang mga petisyon na humihiling ng mga paggalaw ng presyo, dahil tumaas na ang presyo ng mga materyales, mga gastos sa kargamento, at iba pa.
Sumang-ayon ang mga gumagawa ng de-boteng tubig, tinapay, asin, sardinas, sabon sa banyo, at mga pampalasa upang taasan sana ang mga presyo.
Hinikayat ni Avelino ang publiko na i-report ang sinumang nagtitinda o negosyong makikitang nag-overcharge o lumalabag sa suggested retail prices (SRP) sa pamamagitan ng Facebook Page ng DTI-Pangasinan o bisitahin ang kanilang opisina sa Arellano Street, Barangay Pantal, Dagupan City.
Tiniyak ni Avelino sa publiko na matutugunan ang kanilang mga alalahanin at hinaing sa usaping paggalaw ng mga presyo. |ifmnews
Facebook Comments