DTI, iniimbestigahan na ang mga umaabuso sa paggamit ng PWD discount cards

Iniimbestigahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ulat na inaabuso ang paggamit ng discount cards para sa mga Persons with Disability (PWDs).

Matatandaang nag-viral sa social media ang litrato ng isang pamilya mula Quezon City kung saan ang lahat ng miyembro nito ay sinasabing mayroong kapansanan.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nagsumbong sa kanila ang isang grupo ng restaurant owners hinggil sa maanomalyang paggamit ng PWD cards.


Iginiit ni Lopez na hindi dapat inaabuso ang paggamit ng mga ganitong pribilehiyo sa panahon ng pandemya lalo na at maraming negosyo ang nahihirapang makabangon.

Ang PWD cards ay binibigyan ang holder ng 20% discount at exemption sa Value Added Tax (TAX) para sa ilang goods at services, kabilang ang food establishments, hotels at recreational centers.

Maaari ring gamitin ang diskwento sa medical at dental services at pagbili ng gamot.

Facebook Comments