DTI, inirekomendang buksan ang mga gym, review centers, computer shops sa ilalim ng GCQ

Nagdagdag pa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng ilang sektor na maaaring buksan sa ilalim ng General Community Quarantine bilang bahagi ng inisyatibo ng pamahalaan na muling makabawi ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, irerekomenda niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ang ilang negosyo at establisyimento sa ilalim ng Category 4 ay ibababa sa Category 3 para muli silang makapagbukas sa 30-porsyentong kapasidad.

Ang mga inirerekomendang magbukas sa August 1 sa ilalim ng GCQ ay ang sumusunod:


–        Testing at Tutorial Centers, Review Centers

–        Gyms, Fitness Centers, at Sports Facilities

–        Internet Cafes

–        Personal Grooming at Aesthetic Services

–        Pet Grooming

Sinabi ni Lopez na kukumpirmahin pa ito ng IATF.

Dagdag pa ni Lopez na kasama rin sa kanilang rekomendasyon ang pagbubukas ng computer at internet shops.

Maglalabas din sila ng mahigpit na protocols kada sektor.

Facebook Comments