DTI, ipinaliwanag kung ano ang “alfresco dining”

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maituturing na “alfresco dining” ang mga table na nakalatag sa labas ng restaurant pero nasa loob pa rin ng mall.

Ito ang tugon ng kagawaran matapos lumabas sa mga ulat na may ilang fastfood chain ang naglatag ng dining tables sa labas ng kanilang store pero nasa loob ng mall.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang ganitong dining set-up ay bawal sa ilalim ng bagong guidelines laban sa COVID-19.


Aniya ang tunay na alfresco dining ay nasa open area at hindi nasa loob ng establisyimento.

Apela ng DTI sa publiko na sundin ang bagong polisiya na ipapatupad lamang hanggang April 4.

Facebook Comments