DTI, ipinauubaya na sa mga LGU kung hahayaan ang full capacity ng mga dine-in restaurant

Sa kabila ng hindi pagpayag ng Metro Manila Mayors na buksan na sa 100% ang operasyon ng mga negosyo sa Metro Manila lalo na ang mga malls.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Laging Handa public press briefing na ipinauubaya na nila sa mga local government officials ang pagdedesisyon kung hahayaan ang pagbabalik sa 100% o full capacity ng mga restaurant at iba pang negosyo.

Katwiran ni Lopez, kailangang unti-unti nang ibalik ang mga negosyo upang makabangong muli ang ating ekonomiya.


Giit ng kalihim, hindi naman babawasan ang ipinatutupad na minimum health standards bagkus nadagdagan pa nga ito ngayon dahil kailangan ng magsuot ng face shield liban pa sa face mask at ang umiiral na social distancing gayundin ang contact tracing form.

Nais din ni Lopez na gawin nang bente kwatro oras ang ilang restaurant lalo na ang mga fast food nang sa ganoon ay maaari pa ring maserbisyuhan ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa kanilang night shift na trabaho.

Facebook Comments