DTI ISABELA, NAKATAKDANG SIRAIN ANG MGA NASAMSAM NA UNCERTIFIED PRODUCTS SA LALAWIGAN

Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ang DTI-Isabela ng pagsira sa mga nakumpiskang uncertified products sa lalawigan ng Isabela ngayong darating na buwan ng oktubre.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay DTI-Isabela Consumer Protection Division Chief na si Elmer Agorto, nais nilang ipakita sa publiko na seryoso ang gobyerno sa kanilang ginagawang pagmomonitor sa mga ibinebentang mga produkto sa merkado.

Aniya, ang tanging pinapayagan lamang na ibenta sa mga consumer at ang mga dumaan sa tamang pagsusuri at mayroong sertipikasyon dito sa Pilipinas.


Paliwanag ni Chief Agorto, ang mga nakumpiskang produkto ay mga itinuturing na uncertified products dahil ang mga ito ay hindi dumaan sa tamang proseso at pagsusuri kaya wala itong mga papel na magpapatunay na ang mga produktong ito ay pasado sa itinakdang standard o parameters.

Samantala, sinabi ni Chief Agorto na karamihan sa mga sisiraing uncertified products ay mga gamit sa bahay katulad na lamang ng mga rice cookers, electric kettles, at iba pang mga appliances.

Facebook Comments