Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa British companies upang patatagin pa ang trade at investment ties sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.
Sa roundtable meeting kasama ang UK-ASEAN Business Council, pinagtibay ni Secretary Pascual ang patuloy na pagbangon ng bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19 at pag-expand ng ekonomiya.
Kinilala rin ng kalihim ang kahalagahan ng pagtatatag ng mga imprastraktura na magpapadali sa mga economic activities at magbibigay-daan sa mga British companies na makapag-operate ng mahusay sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Trade Secretary Pascual na nagpapatupad na ang bansa ng ilang sectoral roadmaps upang bumuo ng local supply chain at magtatag ng industrial policies na susuporta sa paglago ng human resource sa bansa.
Samantala, ang nasabing roundtable meeting ni Pascual ay bahagi ng Investment Roadshow ng DTI sa Europa.