Ikinaalarma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga napapabalitang paglabag sa price freeze na ipinapatupad ng Department of Trade and Industry o DTI sa mga pagkain at iba pang mahalagang produkto.
Dismayado si sotto sa dumadaming balita ng overprising habang umiiral ang COVID-19 lockdown sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Tanong ni Sotto, ano ang ginagawa ng DTI at hindi nito nababantayang mabuti kung nasusunod ang price freeze.
Mungkahi ni Sotto sa DTI, magpakalat ng monitoring team para matutukan ang pagsunod sa price freeze at sa suggested retail price policy ng supermarkets, public markets at even sari-sari stores.
Giit ni Sotto, hindi tama at hindi dapat hayaan ang ginagawang pag-abuso ng mga retailers at sellers sa mamamayan sa panahong dapat ay nagtutulungan tayong lahat para malampasan ang krisis ngayon.