DTI, kinastigo ng isang senador

Tila nawawalan na ng silbi para kay Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry o DTI makaraang tumaas na rin pati ang presyo ng uling at ‘gaas’ o kerosene bukod sa LPG o liquefied petroleum gas.

Dismayado si Marcos dahil bigo ang DTI na bantayan ang pagtaas ng presyo ng uling at ‘gaas’ na tanging kayang bilhin ng mga mahihirap na hindi makaabot sa presyo ng LPG na humigit kumulang 700-pesos bawat tangke.

Ayon kay Marcos, ang isang supot ngayon ng uling ay nagkakahalaga na ng P15 mula sa dating presyo nitong P10.


Ang isang litro size naman ng bote ng ‘gaas’ ay nagkakahalaga ngayon ng P60 kumpara sa dating P55.

Banta ni Marcos, mapipilitan siyang ipaimbestiga sa Senado ang DTI kung hindi pa sila kikilos at hindi aaksyunan ang walang habas na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang mga abot kaya sanang bilhin ng mahihirap.

Facebook Comments