DTI, kinastigo ng isang senador dahil sa pagsirit ng presyo ng Noche Buena products

Sinita ni Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry o DTI sa pagpapahintulot nito sa ilang manufacturer sa bansa na magtaas ng presyo ng Noche Buena products.

 

Ginawa ni Marcos ang pagbatikos sa DTI kasunod nang ginawang pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price o SRP.

 

Base sa inilabas na listahan ng DTI, ay nasa P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham habang ang presyo naman ng fruit cocktail ay higit P1 hanggang halos dalawang piso ang itinaas.


 

Pati ang presyo ng keso at spaghetti noodles ay tumaas din.

 

Diin ni Marcos, napaka-killjoy ng hakbang ng DTI na hadlang para makapag-enjoy at makapaghanda naman ng masasarap na pagkain sa Noche Buena ang mga Pinoy.

Facebook Comments