Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtataas na rin sa presyo ng tinapay ang Philippine Banking Industry.
Sa harap ito ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, naghain na rin ng petition ang PhilBaking na humihirit ng pagtaas sa presyo ng tinapay.
Aniya, sa ngayon ay nakikipagnegosasyon pa sila sa nasabing grupo.
Sa hirit ng PhilBaking, nais nilang itaas sa ₱27.50 ang Pinoy Pandesal mula 23.50, habang ang Pinoy Tasty mula sa ₱38.50 ay nais nila itong itaas sa ₱42.50.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan magiging epektibo ang pagtaas sa presyo ng tinapay.
Facebook Comments