DTI, kumpiyansang lalakas pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na taon

Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na lalakas pa ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, tuloy-tuloy kasi ang mga investment sa bansa, bilang resulta ng mga ginawa ni PBBM na pagbisita sa iba’t ibang mga bansa at pagkakasapinal ng trade at investment deals.

Ang mga naturang investment kasi ay hindi lamang aniya magbibigay ng capital kung hindi maging ang magagamit na teknolohiya sa Pilipinas.


Maliban dito, asahan din aniya na mas maraming maisasapinal na kontrata sa mga susunod na taon, kasabay ng patuloy pa ring pag-enganyo ni PBBM sa malalaking international business leaders.

Samantala, malaking bagay rin ang pag-welcome ng pamahalaan sa iba pang investment opportunities sa mga susunod na taon, na tiyak ding magbibigay ng karagdagang mga trabaho sa workforce ng bansa.

Facebook Comments