Patuloy pa rin ang hanay ng Department of Trade and Industry Lingayen at ng local government unit nito sa pag-inspeksyon at pag-monitor sa presyo ng bigas sa kanilang pamilihang bayan.
Naglibot muli ang DTI Lingayen, Market and Slaughterhouse Office at Municipal Agriculture Office kung saan mas may alam sa klase at teksto ng bigas nang sa gayon ay masiguro na walang magaganap na mislabeling ng produktong bigas na nasa ilalim ng executive order no. 39.
Paglilinaw ng mga representatives sa pagmomonitor ng naturang produktong bigas na ibinibenta sa pamilihan ay bahagi ng monitoring at profiling kung saan dapat na suriin ang presyo ng bigas, dami ng kanilang stock, at posibleng oras na pagkaubos na kanilang stock.
Patuloy din naman ang kanilang paalala sa mga nagtitinda na sumunod sa naturang executive order para maiwasan na mapatawan ng karampatang parusa.
Hindi lamang umano para maabot ng mga mamimili ang presyo ng bigas kaya itinalaga ang executive order kung hindi para na rin sa pagsulong ng kampanya laban sa hoarding, profiteering at smuggling. |ifmnews
Facebook Comments