DTI, maglalabas ng advisory tungkol sa mga sukang may synthetic acetic acid

Maglalabas ng advisory ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mga sukang nagtataglay ng synthetic chemical na acetic acid.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, ito ay para ma-full out sa merkado ang mga sukang pinangalanan ng Food and Drug Administration (FDA).

Sa inilabas na abiso ng FDA, tinukoy nila ang Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar na nagtataglay ng nasabing uri ng synthetic flavoring.


Bagamat hindi naman dapat mag-alala ang mga nakakunsumo na ng mga nasabing mga suka paalala ni Castelo, mahalaga pa ding sundin ang advisory ng FDA.

Pagtitiyak ni Castelo, mag-iikot sila sa mga pamilihan sa Huwebes para makasigurong wala na sa merkado ang mga sukang may acetic acid.

Facebook Comments