DTI, maglalabas ng bagong guidelines sa pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga kompanya at establisyemento sa bansa; Pagkakaroon ng health protocol officer, mandatory na

Maglalabas ng bagong guidelines ang Department of Trade and Industry kaugnay sa pagpapatupad ng health protocols sa mga establisyemento sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay DTI Sec. Ramon Lopez, bukod sa pagpapatupad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at disinsfection, irerekomenda na rin nila ang pagsusuot ng face shield sa mga opisina at establisyemento, lalo na ang mga nasa food industry.

Bukod rito, ire-require na rin ng DTI ang paglalagay ng isolation room habang mandatory na ang pagkakaroon ng health protocol officer at safety and health committee sa bawat kumpanya o negosyo upang masiguro na nakasusunod lahat sa ipinapatupad na health standard.


Facebook Comments