DTI, magsasagawa ng Diskwento Caravan bilang tulong sa mga bakwit ng Albay

Nagsasagawa na ng assessment sa mga evacuation center ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 5 para matukoy kung anong mga pangunahing pangangailangan ang maaaring isama sa ilulunsad na Diskwento Caravan.

Ang caravan ay gagawin kaakibat ng programang Kadiwa ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DTI Region 5 Officer-in-Charge (OIC) Regional Director Dindo Nabol, layunin nito ay matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit at ng pamayanan kung saan matatagpuan ang evacuation centers.


Sa kasalukuyan ay pinaplantsa pa nila ang mga detalye ng gagawing caravan.

Tantya ni Director Nabol na matatapos nila ang assessment ngayong linggo.

Nais nila matiyak na sakto ang mga iaalok ng paninda sa kailangan ng mga evacuee at kahit papaano ay kikita rin ang mga lalahok na negosyante sa caravan.

Samantala, umiiral pa rin ang price freeze sa buong probinsya ng Albay simula ng magdeklara ng state of calamity noong June 9.

Facebook Comments