Nakatakdang magsasagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga supermarket upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng ahensya.
Pangungunahan mismo nina DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, DTI-CPG Assistant Secretary Ronnel O. Abrenica at DTI-Fair Trade Enforcement Bureau Director Jeremy S. Marquez ang pagsasagawa ng inspeksyon mamang pasado alas-10:00 ngayong umaga sa SM Aura, Taguig City.
Tututukan ng DTI ang special price and supply kung saan imo-monitor ang presyo ng mga pangunahing bilihin at titingnan din kung nasusunod ang minimum public health standards.
Binalaan din ng DTI ang mga personnel ng mga supermarket na magsasamantala ng mga presyo ng bilihin na may kaakibat na parusa ang sinumang mahuhuling lumabag dito.