DTI, makikipagpulong na sa may-ari ng gym sa Metro Manila para sa nakatakdang pagbubukas ng mga ito

Makikipagpulong ang Department of Trade and Industry sa mga may-ari ng gym sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng kanilang apela na payagan na silang magbukas sa ilalim ng bagong quarantine system.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, pag-uusapan sa pulong ang mga gagawing health protocols oras na payagan ang pagbubukas ng mga ito.


Aniya, posibleng hilingin nila sa mga gym owner na gawin nang outdoor ang kanilang setup lalo’t karamihan ay indoor at madalas maghiraman ng kagamitan ang mga gumagamit nito.

Sa ngayon ay naka-Alert Level 4 ang Metro Manila na layong tulungang makabangon ang mga negosyong umaray sa mga malawakang lockdown sa gitna ng patuloy na pandemya.

Habang ang ibang negosyo tulad ng mga restaurant ay pinayagan ng magbukas sa limitadong capacity sa ilalim ng Alert Level 4.

Maging ang mga salon, barberya at spa ay maaari nang magbukas basta limitado lamang ang pwedeng pumasok.

Facebook Comments