Manghihimasok na ang Department of Trade and Industry sa alitan sa pagitan ng mga hog raiser at meat processors.
Ito ay may kaugnayan sa pagbili ng local pork products sa gitna ng presensya ng African Swine Fever sa bansa.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, plano niyang makipagkita sa mga miyembro ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), at Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI).
Susubukan niyang pagkasunduan ang dalawang panig.
Tiwala naman ang kalihim na ang gusot sa pagitan ng dalawang grupo ay hindi makakaapekto sa supply at presyo ng processed meat products sa bansa.
Facebook Comments