Aabot sa nasa 30 mga seller at retailer ng Christmas lights sa bansa ang certified ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na makikita ang listahan ng mga certified seller na ito sa consumer pages ng DTI at sa kanilang Facebook, Twitter at Instagram accounts.
Maari rin aniyang bisitahin ng publiko ang DTI website bago sila bumili ng Christmas lights upang makatiyak na de kalidad ang mabibili nilang produkto.
Nagpaalala muli si Castello sa publiko na tingnan ang import commodity clearance stickers na nakadikit sa Christmas lights.
Aniya, kapag wala nito, huwag na lamang bilhin dahil tiyak aniyang hindi ito dumaan sa certification process o kaya ay bagsak ang kalidad kaya walang ICC mark.