DTI, may babala sa mga negosyanteng mananamantala sa mga naapektuhan ng bagyong Urduja

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante sa Eastern Visayas na huwag mananamantala sa mga residenteng sinalanta ng bagyong Urduja.

Ayon kay Trade Undersecretary Ted Pascua, kakasuhan ng economic sabotage ang sinumang mapapatunayan na mangho-hoard ng supply ng mga pangunahing bilihin.

Aniya, bawal din ang profiteering o ang panghuhuthot sa mga consumer.


Kasabay nito, nanawagan si Pascua sa mga konsyumer na huwag nang magmadali sa pagbili dahil sapat naman ang suplay.

Iginiit din nito na hindi rin apektado ang chain of supply kahit nag-iwan ng pinsala ang bagyo sa ilang mga tulay na nagdudugtong sa ilang mga lugar sa rehiyon.

Facebook Comments