DTI, may paalala sa mga online shoppers

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Trade & Industry sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga regalo ngayong Pasko sa online shopping o sa internet.

Ayon kay Undersecretary Atty. Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group ng DTI bago bumili ng produkto ay magbasa muna ng mga reviews sa internet.

Ito ay para malaman kung positibo o negatibo ba ang kumento ng mga consumers sa produkto.


Paalala pa ni Pascua, wag magpapadala sa mga larawan na nakikita sa online shopping dahil marami sa mga ito ay hindi kasing ganda ang aktwal na produkto.

Mas maganda rin aniya kung cash on delivery ang mode of payment kesa sa credit card

Babala pa ng DTI na busisiing maigi kung may warranty o product return policy ang bibilhing produkto para kung hindi nagustuhan o agad itong nasira ay maaari pang maibalik sa retailer.

Facebook Comments