Hinikayat ng DTI ang consumers o ang mga bibili ng handa para sa Media Noche na maging mapanuri sa presyo.
Sinabi ni Atty. Amanda Nograles, Assistant Secretary ng Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry o DTI na dapat ay matutong magkumpara ng mga presyo bago bumili dahil marami aniyang ino-offer na discount at promos at giveaways lalo na sa malalaking grocery stores.
Mahalaga rin ayon kay Nograles na laging i-check ang expiration date ng items at higit sa lahat tiyaking ang presyo ay naaayon sa price guide.
Samantala, sa mga bibili naman ng paputok at pailaw, sinabi ni Nograles na mahalagang bumili lamang sa mga seller na mayroong PNP license or permit, tiyaking may lehitimong Philippine Standard o PS Mark sticker ang bibilhin upang matiyak na ligtas gamitin ang fireworks at firecrackers.