Dapat munang isalang ng mga kompanya sa COVID-19 test ang mga empleyado nito bago sila pabalikin sa kanilang mga trabaho.
Ito ang pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez kaugnay ng inaasahang pagbubukas ng ilang negosyo sa mga lugar na isasailalim na lang sa General Community Quarantine (GCQ).
Ayon sa kalihim, sa ganitong paraan ay makakatulong ang mga pribadong kompanya sa mass testing initiative ng gobyerno para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Dapat ding i-require sa mga kompanya ang pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng mask, pagkakaroon ng sanitation station, temperature scanning o check-up.
Facebook Comments