DTI, muling iginiit ang pagpapatupad ng health protocols kasabay ng pagbabalik ng limitadong dine-in sa mga fastfood at restaurant

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat pa ring sundin ng restaurants at fastfood chains ang health at safety protocols.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang mga restaurant ay papayagan lamang tumanggap ng dine-in customers sa 30% seating capacity simula ngayong araw, June 15.

Halimbawa, kung 10 ang kanilang customer, tatlo o apat lamang ang maaaring kumain sa loob ng kanilang establisyimento.


Mahalagang mayroong isang metrong physical distancing.

Sinabi rin ni Castelo na dapat may foot bath, alcohol at sanitizers ang mga restaurant at fastfood.

Hindi nila inirerekomenda ang face-to-face seating sa mga hindi kayang maglatag ng protective dividers.

Maaaring magpatupad ang mga ito ng digital payment scheme.

Ang guidelines ay sakop ang lahat ng food establishments maging ang mga karinderya at makakatulong ito para sa masanay ang mga customer sa ‘new normal.’

Nagbabala ang DTI na maaaring ipasara ang mga food establishment na hindi susunod sa bagong guidelines.

Facebook Comments