Muling ilulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Agosto ang kanilang programa na nagpapautang sa maliliit na negosyo.
Nabatid na pansamantalang nahinto ang programa dahil sa kakulangan sa pondo.
Pero ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakakuha na sila ng dagdag na isang bilyong pisong pondo mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) para sa pautang sa maliliit na negosyante sa pamamagitan ng Small Business Corporation.
Maaari ding umutang ang DTI ng hanggang tatlong bilyong piso sa Landbank kung kinakailangan.
Sa ilalim ng programa, ₱5,000 hanggang ₱200,000 ang pautang sa mga micro businesses at ₱200,000 hanggang ₱500,000 naman para sa small businesses.
Nasa 0.5% lang ang interes kada buwan o 6% kada taon na puwedeng bayaran sa loob ng 2 hanggang 5 taon.