DTI, MULING IPINAALALA SA MGA TINDAHAN NA MAY KARAPATAN ANG MGA MAMIMILI SAKALING MAY DEPEKTO ANG NABILING PRODUKTO

Muling ipinaalala ngayon ng Department of Trade and Industry Pangasinan na may mga Karapatan ang mga mamimili sakaling may depekto ang mga nabiling bagay sa mga tindahan o establisyemento.
Ayon kay, Guillermo Avelino Jr., hepe ng Consumer Protection Division ng DTI-Pangasinan na may ilang reklamo na silang natatanggap tungkol sa mga nabili na school supplies na lumabas na may sira at hindi maganda ang kalidad gaya na lamang ng isang lola na bumili ng isang bag sa Downtown area sa Dagupan City ay depektibo at nang bumalik ito sa tindahan, tinanggihan na siya para palitan o i-refund.
Matapos isangguni ng lola sa ahensya, agad tinungo ng ahensya ang establisyemento at nakakuha na ng refund ang lola.

Ayon sa ahensya, may karapatan ang consumer na protektado ng batas sa ilalim ng ipinatutupad na patakarang “Return and Refund” sa bansa, partikular na kung mapapatunayang may depekto ang binebentang produkto.
Binigyang diin ng opisyal na isa itong Karapatan ng mamimili sakaling makatanggap ng depektibong produkto ang isang mamimili.
Hinimok ni Avelino ang publiko na tumungo sa tanggapan ng DTI-Pangasinan kung tatanggihan ng establisyemento ang naturang karapatan ng konsyumer. |ifmnews
Facebook Comments