DTI, NAG-IKOT SA ILANG PAMILIHAN SA ILOCOS SUR; ILANG DEPEKTIBONG TIMBANGAN, KINUMPISKA

Sinuyod ng Department of Trade and Industry sa ilalim ng Consumer Protection Division ang ilang pamilihan sa Ilocos Sur.

Tinungo ng mga ito ang Santo Domingo Public Market kung saan nasa 286 na mga nagnenegosyo ang monitor kabilang na rito ang mga nasa bahagi ng mga karne, gulay, mga nagbebenta ng isda, grocery store, agricultural at poultry shops upang tiyakin na sumusunod ang mga ito sa fair-trade laws.

Nakumpiska ang nasa limang depektibong timbangan at mga expired na produkto sa ilang grocery stores. Siniguro ng ahensya na magkaroon ng lingguhang pag iinspeksyon sa mga ginagamit na weighing scale o timbangan upang matiyak ang karapatan ng mga konsyumer na makuha ang tamang timbang sa lahat ng produktong kanilang binibili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments