DTI, NAGBIGAY PAALALA SA MGA RICE RETAILERS UKOL SA PRICE MANIPULATION AT PAGPAPALIT NG CLASSIFICATION NG BIGAS

Nagbigay ng paalala ang Department of Trade and Industry sa mga rice retailers sa Pangasinan ukol sa price manipulation at pagpapalit ng classification ng bigas sa kanilang pagbebenta.
Ayon sa pahayag kay senior trade and industry development specialist DTI-Pangasinan Guillermo Avelino, Jr., pinaalalahanan nito ang mga retailers na huwag gumawa ng anumang aksyon gaya ng price manipulation sa mga pangunahing pagkain at maging pagpapalit ng classification ng bigas dahil ipinagbabawal ito ng batas at ang sino mang lalabag ay haharap sa kaukulang parusa.
Nagpapasalamat naman ang DTI Pangasinan sa mga retailers na sumunod na sa order kahit pa masakit sa loob nila bilang compliance na rin at pagsunod ng maayos.

Ayon sa DTI Pangasinan, nasa 80 percent na ang mga rice retailers sa Pangasinan na nakapag-comply na sa naturang executive order at patuloy sila sa monitoring sa mga pampublikong pamilihan upang sigurin na patuloy ang mga itong sumusunod sa itinalagang presyo ng regular at well milled rice. |ifmnews
Facebook Comments