
Kuntento ang Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque sa kasalukuyang presyo ng mga bulaklak, kandila at mga bottled water.
Ito’y sa isinagawang price at supply monitoring sa Dangwa at sa isang supermarket malapit sa Manila North Cemetery kaugnay sa papalapit na Undas 2025.
Ayon kay Secretary Roque, nananatili pa rin mababa at pasok sa kanilang price list ang mga presyo ng mga bulaklak sa Dangwa.
Ang mga bulaklak na nasa paso o clay pot ay umaabot sa P150, P300 at P500 habang ang mga bulaklak na may stand ay nasa P500 hanggang P2,500 ang halaga kung saan ang orchids na mabenta tuwing undas ay nasa P100 hanggang P300.00 ang kada bundle.
Pasok din sa suggested retail price (SRP) ang bentahan ng bottled water sa naturang supermarket at ang presyo nito ay nasa higit P8 hanggang higit P20 ang isa.
Maging ang ibinebentang kandila ay pasok din sa SRP ng DTI at ang presyo ay pumapalo sa higit P60 hanggang P200 kada pack o bundle.









