DTI, naglabas ng panuntunan para sa mga negosyong magbubukas sa GCQ at MGCQ areas

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng memorandum circular para maging gabay ng mga awtoridad at mga negosyong magbubukas na muli sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, magiging epektibo ang circular sa Marso 5, 2021, pagkatapos na mailathala sa University of the Philippines Law Center.

Batay sa circular, ilang mga negosyo ang nailipat sa Category 3 mula sa Category 4 gaya ng driving schools, cinemas at museums na papayagan ng dahan-dahang makapagbukas sa GCQ areas na nauna nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Sa ilalim din ng circular, pinapayagan mag-operate ng 50% ang libraries, museums, cultural centers, meetings at conventions, limited tourist attractions at video games at arcades habang 75% sa MGCQ areas.

Ang mga tradisyunal na sinehan naman ay pinapagayang mag-operate ng 25% sa GCQ at 50% sa MGCQ areas sa ilalim ng panuntunan ng Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

Ang mga social events naman ay hanggang 30% lamang sa GCQ habang 50% sa MGCQ areas.

Matatandaang kahapon, Marso 1 ang muling pagbubukas sana ng mga sinehan pero pansamantalang ipinagpaliban dahil sa pagtutol ng Metro Manila mayors.

Facebook Comments