Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 13th month pay loan facility para sa mga Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, layon nitong matulungan ang mga maliliit na negosyo para makapagbigay ng 13th month sa kanilang mga empleyado.
Aniya, hindi bababa sa P200 million ang handang ipautang ng DTI.
Sabi pa ni Lopez, bukas ang aplikasyon para sa 13th month pay loan facility hanggang Disyembre 7.
Maaaring bisitahin ng business owners ang www.bayanihancares.ph para malaman ang requirements.
Facebook Comments