DTI, naglunsad ng online delivery platform para sa farm goods

Naglunsad ng online delivery platforms ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mas mapabilis na pagbebenta ng mga magsasaka sa mga consumers.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang nabanggit na plataporma ay ang DELIVER-e na inorganisa sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), farm cooperatives, mga private sector, at ang United States Agency for International Development.

Ito ay para masiguro na magiging sapat ang mga produktong pang agrikultura sa gitna ng pandemya kung saan aabot sa 600 magsasaka ang natulungan sa Luzon at sa southern part ng bansa.


Layunin ng DTI na madagdagan ang produksyon at matiyak ang suplay ng mga produkto sa pamamagitan ng mga bagong modelo ng negosyo.

Facebook Comments