DTI, naglunsad ng online digital platform para tulungan ang mga MSME

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “PasaLove: Paskong OTOP” na isang online digital platform para tulungan ang mga maliit na negosyo sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ibibida rito ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang kanilang mga lokal na produkto na maaaring ipang-regalo sa Pasko.

Aniya, umaasa sila na tatangkilikin ng ating mga kababayan ang mga produktong Pinoy para makatulong sa MSMEs na lubos na apektado ng pandemya.


Maaaring makita ang produktong Pinoy sa www.virtualtradeexpoph.com.

Facebook Comments