DTI, naglunsad ng online trade fair kaugnay sa selebrasyon ng 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week

COURTESY: www.facebook.com/dti.bdtp

Naglunsad ng online trade fair ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa selebrasyon ng 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week na tatagal hanggang sa Agosto 12, 2020.

Kabilang sa mga lumahok sa online trade fair ay ang anim na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na pag-aari ng PWDs at inaasahang dadami pa ang mga makikilahok.

Makikita ang mga produkto ng PWD entrepreneurs sa Bureau of Domestic Trade Promotion’s (BDTP) Facebook page na www.facebook.com/dti.bdtp.


Kabilang sa mga produkto na makikita online ay fashion accessories, wearable items, bags, face masks, ice cream, coco sugar, tofu, gifts, decors, housewares, blankets at table runners.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, binuksan nila ang online trade fair para sa PWD entrepreneurs na nagsusulong ng inclusivity at empowerment para sa differently-abled Filipino business owners.

Facebook Comments