DTI, nagpaalala sa mga barbershops at salons na sumunod sa health protocols

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga barbershop at salon na sumunod sa health at safety protocols kasabay ng kanilang gradual opening kahapon.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mahalagang mayroon silang sanitation equipment tulad ng acrylic dividers, sterilizers, at iba pa.

Nasa 30% lamang na operation capacity ang pinapayagan sa mga barbershops at salons sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) habang 50% sa Modified GCQ (MGCQ).


Para sa mga restaurant, 50% dine-in capacity lamang ang maaari sa ilalim ng MGCQ.

Pinapayuhan ng DTI ang mga customer na magbayad sa pamamagitan ng online options para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments