DTI, nagpaalala sa mga bibilhing construction at electronics material na hindi dumaan sa safety standards

Manila, Philippines – Nagpaalala ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mga bibilhing construction at electronics material na hindi dumaan sa safety standards.

Nabatid kasi na nagsagawa ng inspeksyon ang DTI sa ilang general merchandise stores kung saan napansin nila na karmaiha ng produkto ay hindi kumpleto ang mga detalye lalo na ang pangalan at address ng manufacturer para kung sakaling may mga kasong gaya nito ay mapapanagot ang mga supplier.

Ayon sa DTI, para malaman kung pasado sa safety standards ang produkto, kailangang may Import Commodity Clearance o ICC sticker ang mga produktong mula sa ibang bansa, habang Philippine Standard o PS Sticker Mark naman ang sa mga lokal na produkto.


Panawagan ng DTI, sa halip na mauwi sa mahabang paliwanagan, dapat ay siguruhin na ng mga store owners na pumasa sa safety standards ang kanilang produkto.

Facebook Comments