Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pubilko hinggil sa pagbili ng mga gadget sa online store.
Ang pahayag ng DTI ay kasunod na rin sa nangyari sa isang 20-anyos na lalaki mula Iloilo City na nag-viral dahil sa naging tatlong bato ang laman ng inorder nitong laptop.
Ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, may ilang insidenteng nangyayari ang ganoong uri ng sitwasyon kung saan hindi malaman kung ang seller o ang logistic company ang may problema.
Pero, iginiit ni Castelo na dapat ang seller ang may obligasyon na makarating ng maayos ang produkto lalo na’t sila ang naka-transaksyon ng consumer.
Payo pa ni Castelo, mas maiging piliin ang proseso ng cash on delivery para makasigurado sa produktong bibilhin.
Kailangan din na suriin ng maigi ang bibilhin gayundin ang online store na pagbibilhan.