DTI, nagpaalala sa publiko sa pagbili ng produktong bakal

Nagbabala ang Department Of Trade And Industry (DTI) sa publiko na mag ingat sa pagbili ng produktong bakal na gawa sa Wan Chiong Steel Corporation na naglalabas ng mga substandard na bakal.

 

Ito ay para makasigurong ligtas ang mga nais bumili at maiwasan ang paglabas sa merkado ng nasabing produkto.

 

Nagpaalala na rin ang DTI sa mga tindahang nagbebenta ng produktong galing sa nasabing kumpanya na ibalik ang mga ito sa mabilis na paraan.


 

Nagbigay na ng notice ang Environmental Management Bureau sa nasabing kumpanya dahil sa paglabag nito sa Philippine Clean Air Act dahil sa makapal na usok at alikabok na inilalabas ng pabrika.

 

Matatandaang nito lamang Enero ay ipinatigil ang operasyon ng pabrika dahil sa paggawa ng mga substandard na bakal.

 

Facebook Comments