DTI, nagpatupad na ng price freeze sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Ipinag-utos na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Nabatid na inilabas ng DTI MIMAROPA ang price freeze bulletin matapos ang oil spill mula MT Princess Empress Oil Tanker sa Balingawan Point na kumalat sa kalapit-lugar.

Ilan sa mga basic necessities na ipatutupad na price freeze ng DTI ay ang sardinas at iba pang marine products; gatas, kape, sabon, kandila, tinapay, asin, instant noodles at bottled water.


Babala ng DTI, maaaring makulong ng isa hanggang sampung taon ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na kautusan kung saan maaari mapatawan ng multa mula P5,000 hanggang P1 million.

Patuloy naman ang ginagawang pagmo-monitor ng DTI sa presyo at suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa Mindoro.

Facebook Comments