DTI, nagpatupad ng price freeze sa basic goods sa limang lugar na napuruhan ng Bagyong Rolly

55

Nagpatupad na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Albay at Marinduque matapos magdeklara ng state of calamity bunga ng mga nagdaang bagyo.

Pero sa ibang lugar, nilinaw ni Trade Secretary Ramon Lopez na umiiral ang Suggested Retail Price (SRP) system sa lahat ng basic necessities at prime commodities.


Sa abiso naman ng Department of Energy (DOE), umiiral ang price freeze para sa household LPG at kerosene sa loob ng 15 araw kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa Camarines Sur at Cavite.

Facebook Comments