DTI, nagpatupad ng price freeze sa ilang bahagi ng Central Luzon kasunod ng hagupit ni Bagyong Egay

Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin at serbisyo sa ilang bahagi ng Central Luzon na sinalanta ng nagdaang Bagyong Egay.

Ayon sa DTI tatagal ang price freeze ng 60 araw sa mga sumusunod na lugar:

Pampanga
Bulacan
Bataan
Zaragoza, Nueva Ecija
Camiling, Tarlac
Paniqui, Tarlac


Isinailalim na sa state of calamity ang nasabing mga lugar kasunod ng pananalasa ng Bagyong Egay at southwest monsoon o habagat.

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act, ang price freeze ay dapat wakasan pagkatapos ng 60 araw maliban kung mas maagang alisin ng pangulo ng Pilipinas.

Samantala, hinihikayat naman ng DTI ang publiko na iulat ang mga lumabag sa price freeze sa 1-DTI (1-384) o consumercare@dti.gov.ph.

Facebook Comments