Manila, Philippines – Nagpatupad na ang Department of Trade and Insdustry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Mindanao matapos isailalim sa Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehiyon.
Ayon sa DTI Undersecretary Teodoro Pascua – sakop ng price freeze ang regions 9, 10, 11, 12 at CARAGA.
Ibig sabihin aniya, hindi maaring tumaas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin at epektibo ito sa ilalim ng 60-araw.
Ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang isang milyong piso o pagkakabilanggo ng isa hanggang sampung (10) taon.
* DZXL558*
Facebook Comments