DTI, nagsimula nang mamahagi ng loan program sa mga maliliit na negosyo

85

Inumpisahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng COVID-19 loans bilang tulong sa mga maliliit na negosyante na apektado ng nasabing pandemya.

Ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o Cares program ay mayroong P1 billion na pondo kung saan una nang nakapamahagi ang ahensya ng P22 million na pautang sa 286 beneficiaries simula nitong July 8, 2020.


Inaasahang makukumpleto ang pamimigay ng nasabing loan program sa katapusan ng Agosto.

Facebook Comments