DTI, nais na itaguyod bilang Halal-friendly ang lungsod ng Makati

Nais na itaguyod ng Philippine Chamber of Commerce Industry (PCCI) – Makati at ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maging Halal-friendly ang lungsod ng Makati.

Palalakasin umano nito ang promosyon at distribusyon ng Halal products at services sa lungsod na magsisilbing isang ecosystem at central platform para magbigay koneksyon sa pagitan ng mga Halal manufacturers, traders, buyers, at consumers.

Layunin ng lalagdaang memorandum of understanding na paunlarin ang Halal industry sa Pilipinas na magbubunga sa pagtatatag ng isang Halal hub sa Makati City.


Bukod dito, tutulong din ito sa mga negosyo na mapalawak pa ang mga oportunidad pagdating sa global Halal opportunities habang pinalalakas ang kanilang global competitiveness.

Facebook Comments