DTI, naitala ang halos 1-M business registration sa taong 2023

Naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kabuuang bilang na aabot sa 984,332 na mga business name registration para sa taong 2023 sa buong bansa.

Ayon sa DTI, ito’y katumbas ng 5% increase mula sa nakalipas na taon sa bilang na ito 88% ay pawang mga bagong rehistradong negosyo.

Kung saan top business activity ang mga retail selling sa mga sari-sari stores na sinundan ng mga restaurants at mga mobile food services activity.


Sinabi ni DTI Sec. Fred Pascual ang nais nila na gawing simple ang registration procedures at mga requirement para sa mga Pinoy entrepreneurs partikular na ang mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

Samantala, patuloy naman ang pakikipagtulungan ng ahensya sa mga regional at provincial offices para hikayatin ang mga balak magnegosyo na magparehistro at maagang magpa-renew ng kanilang mga business name at business permit.

Facebook Comments